Imbak para sa Enero, 2008

Confusion and Disappointments

Posted in Kwentong High School, Mga Kalokohan on Enero 21, 2008 by westwind

    Gumising ako ng 7am, sa mismong oras ng pasok sa aming paaralan. Dapat talaga hindi na ako papasok. Pero ninanais kong pumasok, kahit ayaw ko talaga. Kung naguguluhan ka, bahala ka na kung maintindihan mo ko. Kailangan kong pumasok, dahil sa kailangan.

    Kailangan dahil kaarawan ni Loviery ngayon.

    Sigurado na akong late na ako for school, ngunit desidido na talaga ako, papasok ako. Matatapos pa lang ang first subject namin sa araw na iyon, Computer Education. Kaya kailangan ko pang maghintay muna sa paglabas ng aking mga kamag-aral. Nanatili muna tuloy ako sa Oval, at pumunta sa I.R. Building kasama si Sarah, na lagi namang late.

    Matapos maghintay ng napakatagal, naglabasan na sila. Parang hindi na ako nanibago, parang hindi na ako nasanay, sa bawat araw na nakasama ko sila, sa isang napakaliit na room ng V.P.E. Building, sa loob ng halos isang taon. Tama. Naninibago nga ako. Ngunit mas nanibago ako ng biglang narinig ko ang mga boses ng karamihan na pare-parehong nagtatanong…

    “Kala ko ba hindi ka papasok ng isang linggo?”

    O ‘di naman kaya’y nagtataka…

    “Bakit ka pumasok?”, “Bakit ayaw mong pumasok?”, “Bakit liliban ka ng isang linggo?”

    O kaya naman ay mang-iinsulto…

    “Dapat hindi ka na lang pumasok.”

    Sa mga nasabi nilang iyon, sa kanilang mga tinanong, sa kanilang pagtataka, at sa kanilang mga insulto, isa lang ang na-realize ko…

    “Aba, ang bilis nga namang kumalat ng balita.”

    Sa mga sinabi nilang iyon, ewan ko kung dapat ba akong matuwa, mainis, malungkot, o kung ano ang dapat kong maramdaman. 

    Change topic naman tayo, nalaman ko na rin sa wakas ang score ko sa Periodical Test. Sa Science, 44, na kung ikukumpara sa highest na 46, hindi talaga kapani-paniwala. Sa Math, ako ang highest, 49, isa mali, hindi na dapat ako magtaka. Sa A.P., 36, compared sa highest, na nagkataong si Jym-P, na 46 with +5, hindi na masama. Pero, hindi sa pagmamayabang, wala akong kahit isa man lamang test na sineryoso. Needless to say, ako man ay nagtataka, at nalilito.

    Wala akong sineryoso dahil tinatamad na akong mag-aral.

    Sabi ko na nga ba, dapat lumiban na lang ako sa klase. Walang masyadong magandang nangyari ngayon, may ilan siguro, kabilang na ang walang-kamatayang pakikipag-usap sa matalik kong kaibigan, si Mary Grace at ang pagiging highest ko sa Math. Other than that, ewan ko kung dapat pa akong matuwa.

    Birthday na nga ni Loviery, dapat masaya ako. Pero hindi, mas lalo ko lang naramdaman na hindi ako kabilang sa kanila, tulad ng parati kong sinasabi, naroon ako, ngunit parang hindi. Siyempre, puro si Aaron lang ang nakikita nila, at ni Loviery. Sabi ko na, dapat hindi na lang sana ako pumunta. At least malinaw na sa akin ang lahat, nagpaalam na siya sa mga magulang ni Loviery, na kung sa kalagayan ko siguro, baka hindi ko na nagawa. Mahina talaga ako sa mga ganyang bagay, mahinang-mahina. Umuwi nanaman akong sawi, sa hindi ko maintindihang kalagayan ng aking buhay.

    Kailangan yata nito ng isang mahabang inuman… ng tubig. Cheers!

Beseeching Fate

Posted in Kwentong High School, Mga Kalokohan on Enero 20, 2008 by westwind

    Natapos na rin sa wakas ang pinakakahihintay kong Periodical Test para sa 3rd Grading Period. Ang saya talaga, sana mataas ang makuha kong marka, especially sa Math.

    Halata ba masyado ang pagiging sarcastic ko!? Kung nahalata mo, well, I congratulate you. Tama ka! Hindi ako masaya sa mga nangyayari ngayon sa school, at lalo na sa napakawalang-kwentang Periodical Test na iyan. Kopyahan daw ba ang gawin ng mga matatalino kong kaklase. Saan ka pa? Mga bakaw talaga sa markang hindi man lamang pinaghihirapan.

    Ako mismo hindi makapaniwala sa takbo ng mga pangyayari. Marami akong hindi mapaniwalaan, ngunit kailangan, dahil alam kong gising ako at hindi ito panaginip. Wala na talaga akong magagawa. Nandiyan na iyan e.

    Naninibago ako. Ewan ko ba. Madalas ang pag-ulan. At madalas na rin akong nagpapakabasa sa ulan na ito. Sabihin na nating you should take these sentences both literally and illiterally. Bahala ka na kung makuha mo ako o hindi.

    Dalawang buwan na lang at isang linggo ang natitira, tapos na ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Sana hindi pa ito matapos dahil ayaw ko pa. Marami pa kong gustong gawin sa hayskul.

    Dalawang buwan na nga lang at isang linggo, tapos na ang paghihirap ko. Sawa na ako. Lalo na kung nasa kalagayan kita, kung sino ka man, malalaman mong hindi na kasing saya noong 3rd year ang buhay seniors. Ok lang ‘yan. Magpakatatag lang dapat ako.

    Bukas kaarawan na ni Loviery. Sana magka-bonding ulit kaming lahat. Sana.

    Birthday niya na nga bukas ngunit hanggang ngayon nalilito pa rin ako. Tinatamad na akong mag-aral. Kahit isang linggo lang akong lumiban sa klase, ayos na sa akin. Pero bukas, birthday niya. At kailangan nandoon ako, ngunit paano kung wala namang magandang manyayari bukas? May dapat pa ba kong asahan? Please. Totoo lahat ang mga nakasulat dito ngunit mas naghahari ang pagiging negative ko. Papasok pa ba ako o hindi? Ewan!   

    Masayang Malungkot ang buhay hayskul. Ano sa palagay mo? 

A Matter of Choices

Posted in Kwentong High School on Enero 17, 2008 by westwind

    Maraming beses na. Madalas akong manatili sa paaralan, magpapalipas ng oras kasama sila. Kung umuwi na ko’y madilim na ang kalangitan, lahat para sulitin ang mga natitirang araw bago ang Graduation.

    Maraming beses na. Lagi akong nananatili sa lugar na iyon para makasama sila, silang hindi man lamang ako pinahahalagahan. Ilang araw na lang ngunit tila hindi pa rin nagbabago ang turing nila sa akin. Naninibago ako sa sarili ko, nagbago na yata ang tingin ko sa sarili ko, naunahan ko pa sila. What I’m feeling right now is familiar. I’m very sure that I felt this feeling before, siguro ito ‘yung palagi kong nararamdaman noong bata pa ako, noong ako pa ay ang ‘ako’ na nakikilala ng lahat, ngunit ngayon ay hindi na.

    Maaga akong umuwi ngayon, siguro dahil magiging wala ring saysay kung mananatili  pa ko roon. Sa mismong oras na ito, sa harap ng computer, nakakaramdam pa ako ng matinding pagod, galing sa isang mahabang paglalakbay. Pansamantalang isinara ang daanan patungong Maybunga at nadamay pati ang ilang kalsada ng Rosario. Lumiko ang dyip na sinasakyan ko sa Pag-asa. I have no choice, hindi rin naman ako makakaangal, di ba? I don’t know if bad luck is with me o baka may nakasabay lang akong malas na pasahero. Inabutan ako ng isang heavy traffic. Once again, I have no choice, mas lalong hindi ako makakaangal. Sa tagal ng paggalaw ng dyip, dahan-dahang napapapikit ang mga mata ko. For the last time, wala akong choice, inaantok na talaga ako. Pagkadilat ko, hindi ko na malaman kung nasaan na ako. Sa pagkakaalam ko, saglit lang akong pumikit. Kahit sa pagtulog, parang minamatyagan pa rin ng utak ko ang mga pangyayari kaya malalaman ko kung nasaan na ako. Hanggang sa na-realize ko, nandoon na pala ako sa terminal ng mga tricycle na dumaraan sa bahay ng isa kong kamag-aral. Mukhang sinasadya ito ng panahon. Malay ko ba.

    Nagkaroon kami kanina ng alitan ni Vanessa, isa sa mga matalik kong kaibigan at isa mga pinakamatagal kong nakasama sa aking buhay bilang isang mag-aaral. Nagalit siya sa akin at dahil doon, iniiwasan na niya ako.

    Bumaba na ako sa dyip na sinasakyan ko. Sumakay ako sa isang tricycle upang daanan na lang ang kamag-aral kong malapit doon. Piyesta pa man din sa kanila.

    Sa kasamaang palad, galit pa rin siya sa akin at ayaw niya kong kausapin.

    Muli, galing sa bahay ng kaklase ko, naglakad ako hanggang sa sakayan ng tricycle na papuntang Stella. Nang makarating na ko Stella, naalala kong wala pa rin palang dyip na pinapadaan sa lugar na iyon at isinara pa nga pala muna pansamantala ang kalsada. For the very last time, wala akong choice. Naglakad muli ako sa huling pagkakataon hanggang sa makauwi sa amin.

    Maingay ang damdamin ko. There are a lot of people on the street, laughing. Kahit na katahimikan ang namamayani sa kapaligiran dahil sa kawalan ng mga dyip sa kalsada, hindi ko maiwasang isipin ang hindi matapos-tapos na pag-aaway naming dalawa na sa kasamaang palad, mukhang hindi ko na maaayos pa. At higit pa roon, mukhang dumaragdag pa si Vanessa sa hidwaan na iyon. I guess it’s only a matter of choices, kung tutuloy pa ba ako o hindi.

The Sky is Blue

Posted in Kowtz, Kwentong High School, Mga Kalokohan, Panimula on Enero 15, 2008 by westwind

Umulan man o umaraw,

Ang kalangita’y nananatiling bughaw.

Lumiwanag man o dumilim,

Kailan ma’y hindi nagiging itim.

    It took a lot of serious thinking in order to come up with a concrete decision. Sige na nga! Magsusulat na ko kahit taglish. I’m warning you, whoever you are, common Tagalog terms lang ang alam ko! ‘Wag ka ng umasa na dumugo ang ilong mo sa mga sulat ko. Magulo nanaman ulit ang schedule ng Colossians at ng Corinthians, at ng the infamous Tridashquatro. Ilang buwan na lang, it’s Graduation Day na. Sana naman, kahit ngayon lang, mag-enjoy naman kami, tulad nung last year. Ang uwian, dapat gabi. Ang tawanan, dapat walang tigil. At higit sa lahat, ang araw sana ng paglalaro ng volleyball, pagtatago sa mga guards, pananatili sa room ng Art Club, paghahunt ng ghost, at mang-trip ay maulit muli. Sana.