Maraming beses na. Madalas akong manatili sa paaralan, magpapalipas ng oras kasama sila. Kung umuwi na ko’y madilim na ang kalangitan, lahat para sulitin ang mga natitirang araw bago ang Graduation.
Maraming beses na. Lagi akong nananatili sa lugar na iyon para makasama sila, silang hindi man lamang ako pinahahalagahan. Ilang araw na lang ngunit tila hindi pa rin nagbabago ang turing nila sa akin. Naninibago ako sa sarili ko, nagbago na yata ang tingin ko sa sarili ko, naunahan ko pa sila. What I’m feeling right now is familiar. I’m very sure that I felt this feeling before, siguro ito ‘yung palagi kong nararamdaman noong bata pa ako, noong ako pa ay ang ‘ako’ na nakikilala ng lahat, ngunit ngayon ay hindi na.
Maaga akong umuwi ngayon, siguro dahil magiging wala ring saysay kung mananatili pa ko roon. Sa mismong oras na ito, sa harap ng computer, nakakaramdam pa ako ng matinding pagod, galing sa isang mahabang paglalakbay. Pansamantalang isinara ang daanan patungong Maybunga at nadamay pati ang ilang kalsada ng Rosario. Lumiko ang dyip na sinasakyan ko sa Pag-asa. I have no choice, hindi rin naman ako makakaangal, di ba? I don’t know if bad luck is with me o baka may nakasabay lang akong malas na pasahero. Inabutan ako ng isang heavy traffic. Once again, I have no choice, mas lalong hindi ako makakaangal. Sa tagal ng paggalaw ng dyip, dahan-dahang napapapikit ang mga mata ko. For the last time, wala akong choice, inaantok na talaga ako. Pagkadilat ko, hindi ko na malaman kung nasaan na ako. Sa pagkakaalam ko, saglit lang akong pumikit. Kahit sa pagtulog, parang minamatyagan pa rin ng utak ko ang mga pangyayari kaya malalaman ko kung nasaan na ako. Hanggang sa na-realize ko, nandoon na pala ako sa terminal ng mga tricycle na dumaraan sa bahay ng isa kong kamag-aral. Mukhang sinasadya ito ng panahon. Malay ko ba.
Nagkaroon kami kanina ng alitan ni Vanessa, isa sa mga matalik kong kaibigan at isa mga pinakamatagal kong nakasama sa aking buhay bilang isang mag-aaral. Nagalit siya sa akin at dahil doon, iniiwasan na niya ako.
Bumaba na ako sa dyip na sinasakyan ko. Sumakay ako sa isang tricycle upang daanan na lang ang kamag-aral kong malapit doon. Piyesta pa man din sa kanila.
Sa kasamaang palad, galit pa rin siya sa akin at ayaw niya kong kausapin.
Muli, galing sa bahay ng kaklase ko, naglakad ako hanggang sa sakayan ng tricycle na papuntang Stella. Nang makarating na ko Stella, naalala kong wala pa rin palang dyip na pinapadaan sa lugar na iyon at isinara pa nga pala muna pansamantala ang kalsada. For the very last time, wala akong choice. Naglakad muli ako sa huling pagkakataon hanggang sa makauwi sa amin.
Maingay ang damdamin ko. There are a lot of people on the street, laughing. Kahit na katahimikan ang namamayani sa kapaligiran dahil sa kawalan ng mga dyip sa kalsada, hindi ko maiwasang isipin ang hindi matapos-tapos na pag-aaway naming dalawa na sa kasamaang palad, mukhang hindi ko na maaayos pa. At higit pa roon, mukhang dumaragdag pa si Vanessa sa hidwaan na iyon. I guess it’s only a matter of choices, kung tutuloy pa ba ako o hindi.