Beseeching Fate
Natapos na rin sa wakas ang pinakakahihintay kong Periodical Test para sa 3rd Grading Period. Ang saya talaga, sana mataas ang makuha kong marka, especially sa Math.
Halata ba masyado ang pagiging sarcastic ko!? Kung nahalata mo, well, I congratulate you. Tama ka! Hindi ako masaya sa mga nangyayari ngayon sa school, at lalo na sa napakawalang-kwentang Periodical Test na iyan. Kopyahan daw ba ang gawin ng mga matatalino kong kaklase. Saan ka pa? Mga bakaw talaga sa markang hindi man lamang pinaghihirapan.
Ako mismo hindi makapaniwala sa takbo ng mga pangyayari. Marami akong hindi mapaniwalaan, ngunit kailangan, dahil alam kong gising ako at hindi ito panaginip. Wala na talaga akong magagawa. Nandiyan na iyan e.
Naninibago ako. Ewan ko ba. Madalas ang pag-ulan. At madalas na rin akong nagpapakabasa sa ulan na ito. Sabihin na nating you should take these sentences both literally and illiterally. Bahala ka na kung makuha mo ako o hindi.
Dalawang buwan na lang at isang linggo ang natitira, tapos na ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Sana hindi pa ito matapos dahil ayaw ko pa. Marami pa kong gustong gawin sa hayskul.
Dalawang buwan na nga lang at isang linggo, tapos na ang paghihirap ko. Sawa na ako. Lalo na kung nasa kalagayan kita, kung sino ka man, malalaman mong hindi na kasing saya noong 3rd year ang buhay seniors. Ok lang ‘yan. Magpakatatag lang dapat ako.
Bukas kaarawan na ni Loviery. Sana magka-bonding ulit kaming lahat. Sana.
Birthday niya na nga bukas ngunit hanggang ngayon nalilito pa rin ako. Tinatamad na akong mag-aral. Kahit isang linggo lang akong lumiban sa klase, ayos na sa akin. Pero bukas, birthday niya. At kailangan nandoon ako, ngunit paano kung wala namang magandang manyayari bukas? May dapat pa ba kong asahan? Please. Totoo lahat ang mga nakasulat dito ngunit mas naghahari ang pagiging negative ko. Papasok pa ba ako o hindi? Ewan!
Masayang Malungkot ang buhay hayskul. Ano sa palagay mo?
Pebrero 2, 2008 Sa 7:18 hapon
NAKAKAPAGTAMPO!
oo na, mali na kung mali,
tama ka. we don’t deserve a high grade!
but we want it!
wala kaming pakielam sa mga taong concern!
anyway everybody’s cheating. even you yourself… aminin mo!
‘wag kang mag drama ‘di ka na 3rd yr. gusto mo sumama ka sa term paper mo! bumalik ka sa nakaraan!!