Confusion and Disappointments
Gumising ako ng 7am, sa mismong oras ng pasok sa aming paaralan. Dapat talaga hindi na ako papasok. Pero ninanais kong pumasok, kahit ayaw ko talaga. Kung naguguluhan ka, bahala ka na kung maintindihan mo ko. Kailangan kong pumasok, dahil sa kailangan.
Kailangan dahil kaarawan ni Loviery ngayon.
Sigurado na akong late na ako for school, ngunit desidido na talaga ako, papasok ako. Matatapos pa lang ang first subject namin sa araw na iyon, Computer Education. Kaya kailangan ko pang maghintay muna sa paglabas ng aking mga kamag-aral. Nanatili muna tuloy ako sa Oval, at pumunta sa I.R. Building kasama si Sarah, na lagi namang late.
Matapos maghintay ng napakatagal, naglabasan na sila. Parang hindi na ako nanibago, parang hindi na ako nasanay, sa bawat araw na nakasama ko sila, sa isang napakaliit na room ng V.P.E. Building, sa loob ng halos isang taon. Tama. Naninibago nga ako. Ngunit mas nanibago ako ng biglang narinig ko ang mga boses ng karamihan na pare-parehong nagtatanong…
“Kala ko ba hindi ka papasok ng isang linggo?”
O ‘di naman kaya’y nagtataka…
“Bakit ka pumasok?”, “Bakit ayaw mong pumasok?”, “Bakit liliban ka ng isang linggo?”
O kaya naman ay mang-iinsulto…
“Dapat hindi ka na lang pumasok.”
Sa mga nasabi nilang iyon, sa kanilang mga tinanong, sa kanilang pagtataka, at sa kanilang mga insulto, isa lang ang na-realize ko…
“Aba, ang bilis nga namang kumalat ng balita.”
Sa mga sinabi nilang iyon, ewan ko kung dapat ba akong matuwa, mainis, malungkot, o kung ano ang dapat kong maramdaman.
Change topic naman tayo, nalaman ko na rin sa wakas ang score ko sa Periodical Test. Sa Science, 44, na kung ikukumpara sa highest na 46, hindi talaga kapani-paniwala. Sa Math, ako ang highest, 49, isa mali, hindi na dapat ako magtaka. Sa A.P., 36, compared sa highest, na nagkataong si Jym-P, na 46 with +5, hindi na masama. Pero, hindi sa pagmamayabang, wala akong kahit isa man lamang test na sineryoso. Needless to say, ako man ay nagtataka, at nalilito.
Wala akong sineryoso dahil tinatamad na akong mag-aral.
Sabi ko na nga ba, dapat lumiban na lang ako sa klase. Walang masyadong magandang nangyari ngayon, may ilan siguro, kabilang na ang walang-kamatayang pakikipag-usap sa matalik kong kaibigan, si Mary Grace at ang pagiging highest ko sa Math. Other than that, ewan ko kung dapat pa akong matuwa.
Birthday na nga ni Loviery, dapat masaya ako. Pero hindi, mas lalo ko lang naramdaman na hindi ako kabilang sa kanila, tulad ng parati kong sinasabi, naroon ako, ngunit parang hindi. Siyempre, puro si Aaron lang ang nakikita nila, at ni Loviery. Sabi ko na, dapat hindi na lang sana ako pumunta. At least malinaw na sa akin ang lahat, nagpaalam na siya sa mga magulang ni Loviery, na kung sa kalagayan ko siguro, baka hindi ko na nagawa. Mahina talaga ako sa mga ganyang bagay, mahinang-mahina. Umuwi nanaman akong sawi, sa hindi ko maintindihang kalagayan ng aking buhay.
Kailangan yata nito ng isang mahabang inuman… ng tubig. Cheers!
Enero 24, 2008 Sa 5:55 hapon
you should be proud…
minsan na lang ako makakita ng
lalaking hindi pa nagkakagirlfriend or
nag-attempt manligaw..sa high school… record-breaking ka ‘tol!!!
Ü i know kung gano ka kabaliw sa kanya…halos hindi mo na nga mabanggit si…ever ba un?!…oo, ever nga..haha..
[whatevah!]…
…natutuwa lng ako sa entry mo…
kung mababasa lang niya toh…
…
Enero 28, 2008 Sa 3:32 hapon
kasama mo ako sa inuman ng tubig. anytime.
Enero 29, 2008 Sa 4:26 hapon
kasama mo ako basta inuman.
Pebrero 6, 2008 Sa 6:28 hapon
hehe…. lagi ka namang mayabang e…
Pebrero 7, 2008 Sa 3:57 hapon
argh! gusto kong pabura sayo yung comment ko!
kung alam ko lang na talagang babasahin niya…
sana hindi ako nag-comment…
naughty hands, hindi ko mapigilan ang aking mga kamay–needless to say, mga daliri–sa pagtipa ng mga keys sa keyboard…
darn!
sa muli, paalam…