Multicolored

Posted in Kwentong High School, Mga Kalokohan on Marso 16, 2008 by westwind

“I’m dreeeeeeaaaaaaaaamiiing in the twiiiiiilight
Of the haaaappy days gone by…
The haaaaappy hours oof schoooools days
Are endiing heere today…”

Nice…
Napakasad ng song…

Hindi siya sad dahil maganda ang lyrics…
O dahil naaalala ko ang happy hours of school days (as the lyrics suggest)
Or whatsoever….

Kung ganoon…Bakit sad!?
Maybe because it reminds me of of my childhood years… (More of when I was still a baby…LOL)
Para kasing lullaby…
Inaantok ako…

zzzZZZZ…..
ZzZzzz
^ (-_-)  ^ zzZzzZ
\             /
| RHS  |
| SR.    |
/__^__\

Naaalala ko ang mga nabanggit ko dati…
Ngayong march…
Everyday akong papasok…
Kahit walang pasok…
Kailangan mag-enjoy…

Pero pa’no?
Wala namang magawa sa school…
Walang matinong kausap…
Lahat sila may kanya-kanyang ginagawa…

Hatiin natin sila sa iba’t ibang grupo…

The majority…
Nagbabahay-bahay…
Manonood ng movies…
I mean, movie marathon…

May iba…
Nasa art gallery…
Still, may mga artworks pa ring ginagawa…
Yata lang ha…
Hindi ako sure…

Basta nasa art gallery sila…

Ang iba…
Kapag may praktis lang present…
Laging wala…
Nakikisama na nga sila sa amin…
Halata!

May lima naman…
Iba ang trip…
Ewan…
Wala na akong alam sa kanila…
Next please…

May dalawa…
Hindi ko rin alam…
Ganoon yata ang nais nilang gawin para mag-enjoy sa mga nalalabing araw…
Dati…
Lagi namin silang kasama…
Pero ngayon…
Magpapaiwan sa room…
Basta…
No comment na nga lang…

May dalawa naman…
Pumapasok sa school…
Tapos uuwi na kaagad…
Kasi wala naman kaming magawa sa school e…
Madalas nangongolekta na lang ng mga universities na pwedeng pasukan…

May isa naman…
Pinagtulungan noong lima sa open forum…
Madalas nagsosolo flight…
Mag-isang inaalala ang buhay junior…
Hay…
Gusto ko nga sanang maki-join e….

May isa ulit…
Hindi siya estudyante…
Basta sabi niya…
Move on…
Hiwa-hiwalay na rin naman kami pagdating ng college…

Move on…
Move on…
MOVE ON…
MOVE ON!
MOVE ON!!
MOVE ON!!!
MOOOOOOOOOVE OOOOOOOOON!
Umaalingawngaw sa utak ko ang dalawang salitang ‘yan…
Paulit-ulit…

Ganyan kasaya ang buhay senior (bilang isang IV-4 student)…
Kapag napasailalim ka na ng graduation song…
Stick to the status quo…
Wala kang choice…
Tanggapin mo na lang…
And move on…

Makulay ang buhay…
Pero hindi lahat ng kulay, mapusyaw…
Minsan, madilim…

Pero ang tao’y parang isang pintor…
Tayo ang nagbibigay ng kulay sa buhay…
Pero tanging sa buhay lang natin…

Wala sa ating kamay ang kulay ng buhay ng iba…
Nasa kanila…
Pero minsan, maaari kang makahawa…

Ikaw?
Kapag isa kang pintor…
Ano ang kulay ng buhay mo?
Paano mo ito kukulayan?

Ako!?
Gusto ko sana technicolor…
Para masaya…

“Trees in autumnal technicolor of crimson and gold turned suddenly white after a storm.”

-Washington Post

Black and White

Posted in Kwentong High School, Mga Kalokohan on Marso 1, 2008 by westwind

Marami akong gustong isulat…
Ngunit nakakatamad magsulat…

Marami akong nais gawin…
Ngunit hindi ko magawa…

Ngunit sa mga oras na natitira…
Walang puwang ang pagiging tamad…
At ang kawalan ng kakayahan…

March 1, 2007

Nalalapit na ang graduation.
Tapos na rin ang mga regular classes sa school.
Ang tangi na lang kailangang gawin ay maghintay.

After ng halos siyam na buwan, nagiging maayos na ang lahat. Kahit superficial pa lang, okay na iyon. Kamakailan lang, February 29, nagkaroon ng open forum ang IV-4. Himala! Nag-participate lahat. Walang absent. For the first time, naging buo ang klase. Pero hindi pa tuluyan.

Maraming nangyari sa mga nakalipas na araw. Natapos na rin sa wakas ang ang mga projects sa lahat ng mga subjects, halos.

Kakatwa isipin na ganito pala ang magiging takbo ng mga pangyayari. Halos lahat sa mga teachers namin kinukuhanan namin ng picture. Hindi ko talaga naisip na ganoon pala sila kasayang kunan ng litrato. Para silang bata!

Patapos na kasi ang school year ngunit malayo pa rin sa akin ang aking mga ninanais.

Hindi ko man lamang napatunayan na kaya kong ipasa ang UPCAT. Maging ang test ko sa PUP, kahit na gaano man ito kadali, mukhang dehado. Mukhang sinasadya kasi ito ng panahon e. Bakit kaya!?

Tulad nga ng sinabi ni Kristina Llorca, dapat sumama na lang ako sa research paper ko about Time Traveling. How ironic! Minsan na rin iyong pumasok sa isip ko.

Hanggang ngayon, malay ko ba. Okay na sila. Pero ako hindi. Ang masama pa, masakit ang mga salitang nabitawan nila noong open forum. Tama lang naman na protektahan nila ang iba habang sinsaktan ako. Dapat wala lang iyon sa akin. Wala naman talaga di ba? Tama sila at oo, mali ako. Dapat lang namang pumasok mga kasalukuyang top 10 ngayon sa top 10. Daig ng masipag ang matalino. Tama ba talaga!?

Tulad nga ng sinabi ni Leona, parang gusto yata nila akong alisin sa buhay nila. Kasing lamig ng gabi nang lumubog ang Titanic kung makitungo sila sa akin. Teka, gaano nga ba kalamig iyong gabing iyon?

Maging ang mga best friends ko noong first year, masaya na sa bago nilang grupo, F5 nga daw kung tawagin nila ang grupo nila. It’s really nice to see they’re happy without me, while I’m looking at them from afar, still believing that the impossible may one day be possible. Maging possible sana. Masaya na sila, kaya hindi na dapat akong manggulo. Pero patuloy pa rin akong umaasa. Nararapat ba!?

Tulad nga ng sinabi ni Mary Grace, hindi nga nila ako kilala. Wala namang nakakakilala sa akin di ba.

Siya naman, ganoon pa rin, palaging kasama siya. Masaya lagi silang magkasama. Para siyang manhid. Hindi marunong makidama. Okay lang daw ako. Sige, ituloy niya lang. Wala naman iyong epekto sa akin e. Kapag magkasama sila, daig pa sila Romeo and Juliet. Kapag magkasama kami, daig pa kami nila (Belle) Beauty at ng kanyang prinsipe (The Beast). Walang pag-asa. Wala na yata talaga. Mali ba ako!?

Tulad nga ng sinabi ni Liezyl, lumayo na ako sa kanya. Masama nang tignan kung magkasama kami. Pero bakit naman? Tell me.

Does fate have anything in store for me? Do I stand a chance to keep on moving? Marami akong tanong. Pero hindi ko masagutan. Wala kasing choices. Hindi ko alam kung letter A ba, letter B, letter C or all of the above. Pwede bang mangopya na lang? Nais kong malaman. Kailan nga kaya!?

Tulad nga ng sinabi ni Jym-P… Teka, wala naman siyang sinasabi sa akin. Sa bagay, wala pang response sa mga katanungan ko.

Malapi na talaga ang graduation. Kahit ilang beses ko man itong i-type, hindi ko mapipigilan. Isang buwan na lang. Pagkatapos noon… Ano na!?

Sige nga! Ikaw? Ano masasabi mo?

Masarap talagang magsulat sa isang puting papel gamit ang isang bolpen na may itim na tinta. Ngunit may tanong ako…

Kapag ang ang bolpen walang tinta, pwede pa bang magsulat? Kung pwede, saan? Kung malaman mo man kung saan, paano?

A Close Look To Rizal High School 3

Posted in Kwentong High School on Pebrero 23, 2008 by westwind

3rd Part

1st Year – Buhay Freshmen

1_342887009l.jpg

Neptali Building

Papasikat na araw, isang bagong umaga. Parang ganyan ang buhay freshmen, ang simula ng high school. Noon, pwede pang lumabas ng campus. Pero madalang lang kaming lumabas, medyo malayo kasi ang Neptali Building sa Main Gate. Kada taon, mararanasan mong magpalipat-lipat ng building, na araw-araw mong makakasama sa pagpasok sa school.

Sa mga freshmen, ang dalawang naglalakihang puno na napapalibutan ng isang paikot na bench, na mas kilala sa tawag na batibot, ang tatlong magkakahiwalay na canteen, kasama na ang pinakaasensadong canteen sa RHS na dati’y hindi mo malaman kung canteen ba talaga at ang Neptali Building, isang building na may apat na palapag at medyo may kaliitan ang iyong mga makakasama sa araw-araw.

1_512685357l.jpg

Upper View ng Batibot, kinuha mula sa 3rd floor ng S.C.E.Science Building

1_387577867l.jpg

Close View ng Batibot

Bago ko malimutan, may ikalawang building pang sakop ang first year. Ang ikalawa ay ang R.J. New Building, na hindi na nating masasabing new dahil matagal na itong ginawa, many decades ago pa nga yata. Teka, bakit R.J. New Building ang tawag pa rito. Ang gulo! Kayo na nga bahala humusga.

1_518012877l.jpg

R.J. New Building

Minsan lang akong nakapasok sa R.J. New Building, madalas nga hindi ko ito napapansin, kahit na gaano man ito kalaki. Divided kasi palagi ang sections ng Rizal High School sa dalawa, ang SSC (Special Science Class) at ang Regular BEC (Bais Education Curriculum) Class, na kinabibilangan ko. Ang SSC ay binubuo ng limang section sa first year- from section 1 to section 5, apat sa second year- from section 1 to section 4, at tatlo sa third at fourth year- from section 1 to section 3. Ang ibang sections naman, na madalas hanggang section 40+, ay sakop na ng BEC Class.

Ang first floor ng Neptali ay for the SSC ngunit napasama pa ang ilan sa BEC Class doon. Ang iba sa ibang palapag, at ang kalahati naman ng buong BEC, sa RJ. Bilang isang dating I-6 student, sa first floor kami ng Neptali nag-iistay.

Naalala ko tuloy, dati kahit na gaano pa ako kaagang pumasok sa school, as early as 4pm man, hindi pa rin binubuksan ang gate, kailangan pang mag-hintay hanggang 7am.

Nakakatamad na tuloy pumasok ng maaga.

Teka… Anu-ano nga ba ang mga kaibahan ng SSC sa BEC Class?

Ang SSC:

-Lamang sa mga pinag-aaralan dahil mas marami silang asignatura.
-Mas matataas ang marka sa report card ng mga estudyante.
-Karamihan, parehong masisipag at matatalino ang mga estudyante.
-Matagal ang uwian.
-Mas maraming extra-curricular activities.
-Mas maraming projects.
-85, bagsak na kaagad.
-Madalas ipanglaban sa Quizbee. Sila ang bumubuo ng category A.

Ang BEC Class:

-Puro pasarap na sa buhay kapag wala ng projects.
-Ilan sa mga estudyante nito, masipag lang. Ang iba, matalino lang. Ang iba, wala pareho.
-Lahat ng kabaliktaran ng nakasulat sa SSC.

Madalas, sa first year mo unang mararanasan ang pagkakaroon ng barkada. Pero kung ating aanalisahin, ito rin ang pinakanakakabagot sa lahat, maliban na lang siguro sa mga napakagaling na guro nito. Masasabi nating nakakatamad ang first year dahil halos 100 porsyente nito, umuuwi na kaagad kapag bumukas na ang Main Gate. Bihira lang mag-overtime ang freshmen, except for the SSC students siguro. Madalas rin, wala pang kamuwang-muwang sa mga competitions. Madalas talo, masaya kung first place. Hindi nila masyadong pinagtutuunan ng pansin ang book presentations at mga competitions.

RECORDS OF MY EXPERIENCES:

(Please proceed to the next part kung hindi ka maka-connect.)

TEACHERS ENCOUNTERED: Halos lahat…

MATH (Elementary Algebra): Ma’am Mercado (Sayang nasa Japan na siya. You’re the best amongst the bests.)
ENGLISH: Ma’am Marin (Still, the best. Walang kupas.)
SCIENCE (General Science & Astronomy): Ma’am Cerrero (Retired na siya. I hope naintindihan ko sana ang mga lessons niya dati.)
FILIPINO (Ibong Adarna): Ma’am Acena (Nakakatakot rin ito ‘pag nagalit, parang si Ma’am Marin.)
A.P. (Philippine History): Ma’am Herras (Sorry. Wala akong hilig sa A.P.)
T.L.E. (Gardening & Sewing): Ma’am Dela Cruz, Ma’am Manalo (Gardening at Sewing Lessons, okay lang!)
M.A.P.E.H.: Ma’am Pascual, Ma’am Columbres, Ma’am Legazpi (Mahina ako sa M.A.P.E.H.)

MADALAS NA NILALARO:
Pitsa (Tama ba spelling?)
Volleyball (Madalas sa Rainforest)

SCHOOL HOURS:
7am – 3pm

GROUPS:
CSACers
Ma. Kristina Llorca
Vanessa Arquero
Jym-P Mejia
Kimberly Barrera
John Ceromines
Ma. Cristina Damagan
Divine Grace Dabban
Leah Lagunday
Jaypee Apoli
Ladylyn Gabitanan

A Close Look To Rizal High School 2

Posted in Kwentong High School on Pebrero 23, 2008 by westwind

2nd part

Since buhay seniors na kaagad ang pinag-uusapan natin, nais ko munang magbalik-tanaw sa aking mga karanasan sa school na ito at pati na rin ang iba pa sa mga buildings dito.

1_167871758l.jpg

Rizal High School Entrance

Okay, halos apat na taon nang nakakalipas mula noong una kong mabasa ang mga nakasulat sa batong ito. Welcome to Rizal High School. Mabuhay!

Halos apat na taon na nga. Hanggang ngayon, mabuhay pa rin.

1_380941839l.jpg

Rizal High School Museum

Ito ang pinakapangunahing building sa school na ito at pangalawa sa pinakabago. Maraming mahahalagang pangyayari ang idinaraos dito at dito rin matatagpuan ang ilan sa mga trophies, RHS periodicals, historical books ng RHS atbp. Naririto rin ang Clinic, RHS Alumni, at ang Prefect of the Discipline.

1_397662169l.jpg

Halos ganito ang kaganapan sa school tuwing lunes ng umaga para sa Flag Raising Ceremony, ang tanging kaibahan lang, para ito sa isang GSP event. Matagal-tagal na rin, hindi ko na alam kung may pinagbago na ang takbo ng Flag Raising na ito o wala. Madalas narito ang choir para kumanta ng “Lupang Hinirang” habang itinataas ang bandila, at “Rizal High School Hymn”. Kasama rin sa Cermony ang “Panatang Makabayan”, “Mission and Vision of Rizal High School”, ang isang inspirational speech mula sa principal, na kasalukuyang si Dr. Josephine Cruz at marami pang iba.

Hindi ko na masyadong maalala ang mga ginagawa sa Flag Raising Ceremony, palagi na kasi akong late. Pagdating ko sa school, tapos na ang ceremony, diretso na sa room.

A Close Look To Rizal High School (and a small part of the story built within its walls)

Posted in Kwentong High School on Pebrero 6, 2008 by westwind

1st part

Isang buwan, humigit-kumulang isang buwan. Nalalapit na rin ang graduation. Ngunit bago magwakas ang lahat, nais ko munang magpakasaya sa bawat araw na natitira.

Para maalala ang lahat, nais ko munang isulat ang mga pangyayari sa halos apat na taong pananatili ko sa isa sa mga pinakatanyag na mataas na paaralan sa buong mundo, ang Rizal High School.

Ang Rizal High School

1_109696041l.jpg

S.C.E. Science 3rd Floor Building Corridor

Ito ang mismong view tuwing umaga sa corridor na ito, kapag hindi pa sumisikat ang araw.

Sa ngayon, ito ang madalas naming nakikita sa araw-araw. Bakit? Dahil dito kami ngayon nanatili sa loob ng sampung buwan, sa unang room sa 3rd floor, needless to say, the most decorative classroom sa buong Rizal High.

1_912417504l.jpg

Oval

Sa bilog na ito sa isang sulok ng walang sulok na oval kami nagpapalipas ng oras. Palaging nakatipon ang bag namin sa gitna habang ang iba sa amin ay nakaupo sa tabi ng mga bag. Ang ilan, umuupo sa damuhan. Samantalang ang iba, nagliliwaliw sa paligid ng buong oval. Nagtatawanan, o kaya nama’y may siryosong pinag-uusapan. Palagi na lang ganoon.

Noon iyon.

Madalang na lang kami manatili dito at ngayon, hindi na ako umaasa, nasasanay na ako. Nanatili pa rin kami sa oval ngunit madalas sa bench sa tabi ng volleyball court. And speaking of which, madalas din kaming mag-volleyball. Kung pwede nga, huwag na kami umuwi.

Still, noon lang iyon.

Hindi pa kami umuuwi hangga’t wala pa ang mga dakilang guards. Oo, dakila. Dahil mula noong third year hanggang sa ngayon, ganoon na lang ang lagi nilang ginagawa, pinapaalis ang mga nananatili pa sa school ng higit pa sa ikaanim ng hapon, at kami ang mga dakilang estudyanteng iyon.

Confusion and Disappointments

Posted in Kwentong High School, Mga Kalokohan on Enero 21, 2008 by westwind

    Gumising ako ng 7am, sa mismong oras ng pasok sa aming paaralan. Dapat talaga hindi na ako papasok. Pero ninanais kong pumasok, kahit ayaw ko talaga. Kung naguguluhan ka, bahala ka na kung maintindihan mo ko. Kailangan kong pumasok, dahil sa kailangan.

    Kailangan dahil kaarawan ni Loviery ngayon.

    Sigurado na akong late na ako for school, ngunit desidido na talaga ako, papasok ako. Matatapos pa lang ang first subject namin sa araw na iyon, Computer Education. Kaya kailangan ko pang maghintay muna sa paglabas ng aking mga kamag-aral. Nanatili muna tuloy ako sa Oval, at pumunta sa I.R. Building kasama si Sarah, na lagi namang late.

    Matapos maghintay ng napakatagal, naglabasan na sila. Parang hindi na ako nanibago, parang hindi na ako nasanay, sa bawat araw na nakasama ko sila, sa isang napakaliit na room ng V.P.E. Building, sa loob ng halos isang taon. Tama. Naninibago nga ako. Ngunit mas nanibago ako ng biglang narinig ko ang mga boses ng karamihan na pare-parehong nagtatanong…

    “Kala ko ba hindi ka papasok ng isang linggo?”

    O ‘di naman kaya’y nagtataka…

    “Bakit ka pumasok?”, “Bakit ayaw mong pumasok?”, “Bakit liliban ka ng isang linggo?”

    O kaya naman ay mang-iinsulto…

    “Dapat hindi ka na lang pumasok.”

    Sa mga nasabi nilang iyon, sa kanilang mga tinanong, sa kanilang pagtataka, at sa kanilang mga insulto, isa lang ang na-realize ko…

    “Aba, ang bilis nga namang kumalat ng balita.”

    Sa mga sinabi nilang iyon, ewan ko kung dapat ba akong matuwa, mainis, malungkot, o kung ano ang dapat kong maramdaman. 

    Change topic naman tayo, nalaman ko na rin sa wakas ang score ko sa Periodical Test. Sa Science, 44, na kung ikukumpara sa highest na 46, hindi talaga kapani-paniwala. Sa Math, ako ang highest, 49, isa mali, hindi na dapat ako magtaka. Sa A.P., 36, compared sa highest, na nagkataong si Jym-P, na 46 with +5, hindi na masama. Pero, hindi sa pagmamayabang, wala akong kahit isa man lamang test na sineryoso. Needless to say, ako man ay nagtataka, at nalilito.

    Wala akong sineryoso dahil tinatamad na akong mag-aral.

    Sabi ko na nga ba, dapat lumiban na lang ako sa klase. Walang masyadong magandang nangyari ngayon, may ilan siguro, kabilang na ang walang-kamatayang pakikipag-usap sa matalik kong kaibigan, si Mary Grace at ang pagiging highest ko sa Math. Other than that, ewan ko kung dapat pa akong matuwa.

    Birthday na nga ni Loviery, dapat masaya ako. Pero hindi, mas lalo ko lang naramdaman na hindi ako kabilang sa kanila, tulad ng parati kong sinasabi, naroon ako, ngunit parang hindi. Siyempre, puro si Aaron lang ang nakikita nila, at ni Loviery. Sabi ko na, dapat hindi na lang sana ako pumunta. At least malinaw na sa akin ang lahat, nagpaalam na siya sa mga magulang ni Loviery, na kung sa kalagayan ko siguro, baka hindi ko na nagawa. Mahina talaga ako sa mga ganyang bagay, mahinang-mahina. Umuwi nanaman akong sawi, sa hindi ko maintindihang kalagayan ng aking buhay.

    Kailangan yata nito ng isang mahabang inuman… ng tubig. Cheers!

Beseeching Fate

Posted in Kwentong High School, Mga Kalokohan on Enero 20, 2008 by westwind

    Natapos na rin sa wakas ang pinakakahihintay kong Periodical Test para sa 3rd Grading Period. Ang saya talaga, sana mataas ang makuha kong marka, especially sa Math.

    Halata ba masyado ang pagiging sarcastic ko!? Kung nahalata mo, well, I congratulate you. Tama ka! Hindi ako masaya sa mga nangyayari ngayon sa school, at lalo na sa napakawalang-kwentang Periodical Test na iyan. Kopyahan daw ba ang gawin ng mga matatalino kong kaklase. Saan ka pa? Mga bakaw talaga sa markang hindi man lamang pinaghihirapan.

    Ako mismo hindi makapaniwala sa takbo ng mga pangyayari. Marami akong hindi mapaniwalaan, ngunit kailangan, dahil alam kong gising ako at hindi ito panaginip. Wala na talaga akong magagawa. Nandiyan na iyan e.

    Naninibago ako. Ewan ko ba. Madalas ang pag-ulan. At madalas na rin akong nagpapakabasa sa ulan na ito. Sabihin na nating you should take these sentences both literally and illiterally. Bahala ka na kung makuha mo ako o hindi.

    Dalawang buwan na lang at isang linggo ang natitira, tapos na ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Sana hindi pa ito matapos dahil ayaw ko pa. Marami pa kong gustong gawin sa hayskul.

    Dalawang buwan na nga lang at isang linggo, tapos na ang paghihirap ko. Sawa na ako. Lalo na kung nasa kalagayan kita, kung sino ka man, malalaman mong hindi na kasing saya noong 3rd year ang buhay seniors. Ok lang ‘yan. Magpakatatag lang dapat ako.

    Bukas kaarawan na ni Loviery. Sana magka-bonding ulit kaming lahat. Sana.

    Birthday niya na nga bukas ngunit hanggang ngayon nalilito pa rin ako. Tinatamad na akong mag-aral. Kahit isang linggo lang akong lumiban sa klase, ayos na sa akin. Pero bukas, birthday niya. At kailangan nandoon ako, ngunit paano kung wala namang magandang manyayari bukas? May dapat pa ba kong asahan? Please. Totoo lahat ang mga nakasulat dito ngunit mas naghahari ang pagiging negative ko. Papasok pa ba ako o hindi? Ewan!   

    Masayang Malungkot ang buhay hayskul. Ano sa palagay mo? 

A Matter of Choices

Posted in Kwentong High School on Enero 17, 2008 by westwind

    Maraming beses na. Madalas akong manatili sa paaralan, magpapalipas ng oras kasama sila. Kung umuwi na ko’y madilim na ang kalangitan, lahat para sulitin ang mga natitirang araw bago ang Graduation.

    Maraming beses na. Lagi akong nananatili sa lugar na iyon para makasama sila, silang hindi man lamang ako pinahahalagahan. Ilang araw na lang ngunit tila hindi pa rin nagbabago ang turing nila sa akin. Naninibago ako sa sarili ko, nagbago na yata ang tingin ko sa sarili ko, naunahan ko pa sila. What I’m feeling right now is familiar. I’m very sure that I felt this feeling before, siguro ito ‘yung palagi kong nararamdaman noong bata pa ako, noong ako pa ay ang ‘ako’ na nakikilala ng lahat, ngunit ngayon ay hindi na.

    Maaga akong umuwi ngayon, siguro dahil magiging wala ring saysay kung mananatili  pa ko roon. Sa mismong oras na ito, sa harap ng computer, nakakaramdam pa ako ng matinding pagod, galing sa isang mahabang paglalakbay. Pansamantalang isinara ang daanan patungong Maybunga at nadamay pati ang ilang kalsada ng Rosario. Lumiko ang dyip na sinasakyan ko sa Pag-asa. I have no choice, hindi rin naman ako makakaangal, di ba? I don’t know if bad luck is with me o baka may nakasabay lang akong malas na pasahero. Inabutan ako ng isang heavy traffic. Once again, I have no choice, mas lalong hindi ako makakaangal. Sa tagal ng paggalaw ng dyip, dahan-dahang napapapikit ang mga mata ko. For the last time, wala akong choice, inaantok na talaga ako. Pagkadilat ko, hindi ko na malaman kung nasaan na ako. Sa pagkakaalam ko, saglit lang akong pumikit. Kahit sa pagtulog, parang minamatyagan pa rin ng utak ko ang mga pangyayari kaya malalaman ko kung nasaan na ako. Hanggang sa na-realize ko, nandoon na pala ako sa terminal ng mga tricycle na dumaraan sa bahay ng isa kong kamag-aral. Mukhang sinasadya ito ng panahon. Malay ko ba.

    Nagkaroon kami kanina ng alitan ni Vanessa, isa sa mga matalik kong kaibigan at isa mga pinakamatagal kong nakasama sa aking buhay bilang isang mag-aaral. Nagalit siya sa akin at dahil doon, iniiwasan na niya ako.

    Bumaba na ako sa dyip na sinasakyan ko. Sumakay ako sa isang tricycle upang daanan na lang ang kamag-aral kong malapit doon. Piyesta pa man din sa kanila.

    Sa kasamaang palad, galit pa rin siya sa akin at ayaw niya kong kausapin.

    Muli, galing sa bahay ng kaklase ko, naglakad ako hanggang sa sakayan ng tricycle na papuntang Stella. Nang makarating na ko Stella, naalala kong wala pa rin palang dyip na pinapadaan sa lugar na iyon at isinara pa nga pala muna pansamantala ang kalsada. For the very last time, wala akong choice. Naglakad muli ako sa huling pagkakataon hanggang sa makauwi sa amin.

    Maingay ang damdamin ko. There are a lot of people on the street, laughing. Kahit na katahimikan ang namamayani sa kapaligiran dahil sa kawalan ng mga dyip sa kalsada, hindi ko maiwasang isipin ang hindi matapos-tapos na pag-aaway naming dalawa na sa kasamaang palad, mukhang hindi ko na maaayos pa. At higit pa roon, mukhang dumaragdag pa si Vanessa sa hidwaan na iyon. I guess it’s only a matter of choices, kung tutuloy pa ba ako o hindi.

The Sky is Blue

Posted in Kowtz, Kwentong High School, Mga Kalokohan, Panimula on Enero 15, 2008 by westwind

Umulan man o umaraw,

Ang kalangita’y nananatiling bughaw.

Lumiwanag man o dumilim,

Kailan ma’y hindi nagiging itim.

    It took a lot of serious thinking in order to come up with a concrete decision. Sige na nga! Magsusulat na ko kahit taglish. I’m warning you, whoever you are, common Tagalog terms lang ang alam ko! ‘Wag ka ng umasa na dumugo ang ilong mo sa mga sulat ko. Magulo nanaman ulit ang schedule ng Colossians at ng Corinthians, at ng the infamous Tridashquatro. Ilang buwan na lang, it’s Graduation Day na. Sana naman, kahit ngayon lang, mag-enjoy naman kami, tulad nung last year. Ang uwian, dapat gabi. Ang tawanan, dapat walang tigil. At higit sa lahat, ang araw sana ng paglalaro ng volleyball, pagtatago sa mga guards, pananatili sa room ng Art Club, paghahunt ng ghost, at mang-trip ay maulit muli. Sana.